Isinilang si Ejay Lasap Falcon noong November 21, 1989 sa isang mahirap na pamilya ngunit nagsikap siyang maging actor, model, endorser at ngayon nga ay Vice Governor na ng Oriental Mindoro.
Bilang actor, sumikat siya noong 2008 matapos manalo sa reality show na Pinoy Big Brother Teen Edition Plus.
Kamakailan, dumalo siya sa isang Birthday invitation. May isang lola raw na naghintay sa kanya at hindi umuwi hanggang hindi siya dumarating.
Sabi ni Lola: Totoy, tanda mo pa ba ako?
Tinitigan naman ito ni Ejay ng mabuti pero hindi niya maalala.
Lola: Ako ang binibilihan mo ng sinulbot (Banana cue) sa Wawa Pinamalayan habang nagkakargador ka.
Sa sobrang tuwa ni Ejay, bigla niyang nayakap ang matanda.
Ejay: Ay, kayo po pala, Nanay Nene.
Kapwa tuwang-tuwa silang nagkwentuhan.
Kilala ni Nanay Nene si Ejay mula pa noong bata ito at nakita niya ang tiniis na hirap ng vice governor sa pagiging istibador/kargador noong kanyang kabataan.
“Maraming salamat po Nanay Nene sa iyong mga banana cue,” ani Ejay habang yakap ang matandang naging malaking bahagi ng kanyang kabataan. “Isa po sa nagpalakas ng aking katawan habang buhat ang copra at mga uling at ang mga kinain kong banana cue. Proud Kargador po ako.”
Dahil nga Oriental Mindoro Vice Governor na si Ejay, binitiwan na niya ang dating negosyong pagkokopra. Pinakasalan na rin niya ang kanyang long time girlfriend na si Jana Roxas matapos ang pitong taong paghihintay.
Wala man siyang maituturing na negosyo, his business is to help the young people to reach their dreams.
“Kung kaya ko, kaya din nila,” ani Ejay. “Ang hirap ng katawan, hindi bumubukol. Basta may pangarap ka at naka-focus ka sa pangarap mo, samahan mo pa ng sipag at tiyaga, magtatagumpay ka sa buhay.”
RLVN