ISINULONG sa Senado na ideklarang national day of remembrance ang August 16 para sa mga biktima ng EJK o extrajudicial killings.
Sa resolusyong inihain ni Senador Risa Hontiveros, ang araw ng kamatayan ng binatilyong si Kian delos Santos ang nagpatindi ng galit at bumuhay sa kamalayan ng mamamayan sa nagaganap na paglabag sa karapatang pantao sa giyera kontra droga.
Ang pag-alala aniya sa mga biktima ng EJK ay pagpapahayag ng pagtutol sa kultura ng pagpatay, pagkunsinti at pagpapawalang bahala sa due process.
Agosto 16 nang maganap ang kontrobersiyal na pagpatay ng mga pulis-Caloocan kay Delos Santos sa isang anti-drug operations dahil sa alegasyong nagtutulak ito ng bawal na gamot na hindi naman napatunayan.
Tatlong pulis-Caloocan ang isinakdal sa pagkamatay ni Delos Santos matapos umamin ang mga ito sa hearing ng Senado na sila ang bumaril sa biktima.
Comments are closed.