KUMPIYANSA si Finance Secretary Benjamin Diokno na bibilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa second half ng 2023.
Sa kanyang weekly media briefing, sinabi ni Diokno na umaasa siyang ang July-December period ay magbibigay ng magandang economic results.
Ang ekonomiya ng bansa ay lumago ng 5.3% sa unang anim na buwan ng taon kasunod ng pagbagal sa second quarter sa likod ng underspending sa gobyerno, gayundin sa mataas na inflation at interest rates.
“The second half of growth will be faster than the first half. Because historically also, the fourth quarter is where most infrastructure projects are done,” ani Diokno.
“This is because the country experiences fewer typhoons, allowing construction projects to be at full throttle,” dagdag pa niya.
Inaasahan din niya ang malaking pagtaas sa disbursement rate sa mga hul- ing quarter sa likod ng binuong catch-up plans na tutugon sa mga isyu sa procurement processes at implementation ng Department of Public Works and Highways, Department of Transportation, Department of Health, at Department of Social Welfare and Development
Binigyang-diin ni Diokno na matagal nang isyu ang underspending mula pa sa termino ni late former President Benigno Aquino III.
“Meron din siguro rin element na first year palang, learning by doing.
Siguro baka matuto na sila dito sa first year,” aniya.