MAYORYA ng mga Filipino ang positibong bubuti ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Batay sa survey, 42 porsiyento ng mga Filipino ang tinatawag na ‘economic optimist’ o mga naniniwalang ga-ganda ang lagay ng ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.
Nasa 28 porsiyento naman ang nagsabing kapareho lamang o walang magiging pagbabago sa ekonomiya ng bansa.
Habang 18 porsiyento ang ‘economic pessimists’ o naniniwalang mas lalong sasama ang lagay ng ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan.
Kaugnay nito, sinabi ng SWS na tumaas sa +24 o high ang net economic optimism score ng bansa, kumpara sa naitalang -9 noong Hulyo at -5 noong Setyembre noong nakaraang taon.
Isinagawa ang survey sa may 1,500 adult respondents sa pamamagitan ng face-to-face interview mula ika-21 hanggang ika-25 ng Nobyembre ng nakaraang taon. DWIZ 882
Comments are closed.