KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas lalalim pa ang relasyon ng Pilipinas at ng Japan hindi lamang sa kalakalan, pamumuhunan kundi maging sa seguridad at depensa.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa courtesy call ni Komeito Party Chief Representative Hon. Yamaguchi Natsuo sa Malacañang.
“In the past, it could be said that the largest part of our interaction between our two countries were always in terms of trade, in terms of development, in terms of ODA (Official Development Assistance),” anang Presidente.
Sinabi pa ng Pangulo na dati nang napag-uusapan ang kalakalan at ekonomiya subalit ngayon ay depensa at security naman.
“But I suppose that now times have changed and those agreements have gone beyond just trade, just business, just investment. And we now have to concern ourselves with issues of security and defense in our region,” dagdag ng Pangulo.
Kinilala rin ng Pangulong Marcos ang malawak na tulong ng Japan sa Pilipinas sa usapin ng kapayapaan.
“We must acknowledge the very important contributions that Japan has made to the Philippines in terms of not only training, not only in terms of equipment, but also in the agreements that we have been able to forge between our two countries in terms of cooperation, in terms of preserving the peace and allowing the free conduct of trade and shipping the South China Sea,” anang Pangulo.
Nagpahiwatig din ang Punong Ehekutibo ng concern sa mga naging aksyon ng North Korea partikular sa mga missile launches ng huli na dahilan kaya nag-alerto ang Japan.
“We consider it a critical issue that, really, we in the region must work together very, very hard to try to alleviate the tensions, to try to make all the proponents of peace in the region be the dominant voice,” anang Pangulo.
Sa huli, idiniin ni Pangulong Marcos ang pagnanais na mapalakas pa ang partnerships sa investment at development na tututok sa pagkakaisa para sa democratic principles.
EVELYN QUIROZ