EKONOMIYA LALAGO NG 6.5-7.5% SA 2023

POSITIBO ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na lalago ang ekonomiya ng 6.5 hanggang 7.5% sa 2023 at magpapatuloy ang pagbawi ng ekonomiya sa Asya sa kabila ng malamlam na pagtataya tungkol sa pandaigdigang economic recession sa susunod na taon dahil sa inaasahang recession sa Amerika, pandaigdigang inflation, mataas na mga rate ng interes at kaguluhan sa ekonomiya ng EU dahil sa digmaang Ukraine sa Russia.

Ikinatwiran ni FFCCCII President Dr. Henry Lim Bon Liong na ang pagiging optimistic ng mga Pilipino ay dahil naniniwala na positibo ang economic at demographic fundamentals ng Pilipinas, ang ASEAN economic dynamism ay magpapatuloy at ang No. 2 pinakamalaking ekonomiya sa mundo na China ay magiging maayos sa muling pagbubukas nito pagkatapos ng pandaigdigang pandemya.

“Allow me to remind you that in early 2022, when there were still many dire and gloomy forecasts, when our economy wasn’t yet fully open, we at the FFCCCII felt the pulse of our entrepreneurs and the masses on the ground among 170 Filipino Chinese chambers of commerce from Aparri to Tawi Tawi, and in early 2022 we at FFCCCII announced the most bullish forecast of 6.5 to 7.5 gross domestic product (GDP) or economic growth. Now that we are ending the year, our optimistic yet realistic 2022 FFCCCII economic forecast has been vindicated and validated as accurate,” pahayag ni Lim.

Ang Pilipinas ay pinagmumulan pa rin ng pag-asa at pagbangon para sa Asya dahil sa ating positibong pang-ekonomiya at demograpikong batayan, at sa pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos ay nakatuon sa pag-upgrade ng mga impraestruktura, pagpapabuti ng agrikultura at pagtutulak ng maraming reporma.

Ang FFCCCII ay kasama sa business delegation sa China state visit ni Pangulong Bongbong Marcos,sa imbitasyon ng Department of Trade and Industry (DTI).

“We believe this historic state visit is very important to the growth potentials of our Philippine economy, because China is our most important economic and trade partner, the world’s emerging new economic superpower, and our neighbor,” dagdag ni Lim.

Ang state visit ng Pangulong Marcos ay magandang pagkakataon upang magamit ang ating high-level diplomacy na maisulong ang mas maraming negosyo at economic cooperation sa China. “Let us maximize the goodwill and deep sense of history of the Chinese people to boost Philippine economic cooperation, reminding our friends in Beijing that it was the parents of President Bongbong Marcos who pioneered opening official diplomatic relations between Manila and Beijing at the height of the Cold War, four years ahead of the USA opening official diplomatic relations between Washington and Beijing. In fact, it was the then teen-ager Bongbong Marcos who in September 1974 accompanied his mother then First Lady and special envoy Imelda Romualdez Marcos on her first, historic visit to China’s then legendary leader Chairman Mao Zedong.

After Imelda Marcos put Mao’s hand to her cheek, Mao surprisingly kissed her hand in a classic Western gesture.

The scene was captured by photographers, and became what the Chinese media described as “the number one kiss in the world” and “the only photograph of Mao Zedong kissing a woman”.

Matapos umanong mahalikan ni Mao si Imelda sa kamay ay tumayo si Bongbong at humalik ito sa pisngi ni Mao.