TIWALA ang mga economic manager ng administrasyong Duterte na maitatala ang inflation sa 2-4 percent ngayong taon, at ang gross domestic product (GDP) sa 7 percent.
“It’s between two to four and, in fact, it will be closer to two, I think… but BSP is saying three… The inflation rate will be closer to two than four…” pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno.
Ang inflation forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa 2019 ay 3.18 percent.
Ang inflation ay naitala sa 5.1 percent noong Disyembre 2018, ang pinakamababa sa nakalipas na pitong buwan matapos sumipa sa 6.7 percent noong Setyembre at Oktubre, subalit mas mabilis kumpara sa 2.9 percent noong Disyembre 2017. Bumagal ito sa 6 percent noong Nobyembre.
Ayon kay Diokno, ang presyo ng pagkain at langis ang nakaimpluwensiya sa inflation noong nakaraang taon.
Sinabi pa ng kalihim na umaasa rin ang economic team na lalago ang ekonomiya ng Filipinas ng 7 percent ngayong taon.
Samantala, umapela si Diokno sa publiko na pagkatiwalaan ang pamahalaan dahil ginagawa naman, ani-ya, nila ang mga karampatang hakbang para maaksiyunan ang mga problema sa ekonomiya ng bansa. VERLIN RUIZ
Comments are closed.