POSITIBO si Trade Secretary Ramon Lopez na lalawak pa ang pagbubukas ng ekonomiya kapag ibinaba ang age restriction ng mga mananatili sa bahay.
Ayon sa kalihim, magmula noong nakaraang taon ay itinutulak na niya na payagan ang mga menor de edad na lumabas ng bahay.
“It’s important to gradually (lower the age), so for example, currently, the youngest is 15 years old, we can gradually (further lower it), may be 10 years old,” rekomendasyon ni Lopez.
Aniya, ang edad 10 ay nakakaintindi na at alam nang alagaan ang sarili o mag-obserba sa health protocols.
“Those 10 years old may no longer be that naughty when they are outside and they are likely to follow the health protocols, such as wearing of face mask and face shield,” ayon pa kay Lopez.
Naniniwala rin ang kalihim na bagaman lumalawak na ang nagbubukas ng negosyo, hindi naman magiging dahilan ito ng pagtaas ng kaso ng coronavirus at may kakayahan nang kontrolin ito.
“We have high confidence that we can manage the virus based on the statistics, the numbers of COVID cases,” dagdag pa ni Lopez. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.