TINIYAK ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nitong Huwebes na patuloy itong magsisikap para maabot ang mga target na pagbabago sa ekonomiya at panlipunan ng bansa, partikular nang iulat ng gobyerno ang 5.9 porsyento na year-on-year gross domestic product (GDP) na paglago sa ikatlong quarter ng 2023, ang pinakamabilis sa mga umuusbong na ekonomiya sa Asya.
“We remain committed to fully implementing the strategies and the transformation agenda outlined in the Philippine Development Plan 2023-2028. The government is currently assessing our progress concerning the target outcomes and the strategies identified in the PDP. This Philippine Development Report will provide the necessary guidance on the way forward,” pahayag ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan.
Dagdag pa ni Balisacan; “We would like to assure all Filipinos that we will make every effort to remain on course in attaining the economic and social transformation targets of the Philippine Development Plan 2023-2028 and achieve a matatag, maginhawa, at panatag na buhay para sa lahat.”
Ayon kay Balisacan, namumuno sa National Economic and Development Authority (NEDA), ang ekonomiya ng Pilipinas ay patuloy na lumalago sa kabila ng ilang malalaking headwind na naranasan at patuloy na nararanasan ng bansa.
Ang taon-taon na 5.9 percent GDP growth sa ikatlong quarter ng 2023 ay isang markadong pagpapabuti mula sa 4.3 percent growth sa second quarter.
Dahil sa performance na ito, ang ekonomiya ng Pilipinas ang pinakamabilis sa mga pangunahing umuusbong na ekonomiya sa Asia na naglabas ng kanilang ikatlong quarter ng 2023 GDP growth: Vietnam sa 5.3 percent, Indonesia at China sa 4.9 percent, at Malaysia sa 3.3 percent.
Sa 5.5 porsyento na rate ng paglago ng GDP para sa unang tatlong quarter – Enero hanggang Setyembre – ng 2023, sinabi niya na ang ekonomiya ay kailangang lumago ng 7.2 porsyento taon taon para sa ikaapat na quarter ng 2023 upang makamit ang hindi bababa sa mababang dulo ng target ng gobyerno na 6 porsiyento hanggang 7 porsiyento para sa buong taon, sinabi ng hepe ng NEDA.
Habang bumaba ang inflation sa 4.9 porsiyento noong Oktubre 2023 mula sa 6.1 porsiyento noong Setyembre 2023, sinabi niya na patuloy na uunahin ng gobyerno ang mga estratehiya bilang tugon sa mga potensyal na epekto ng El Niño phenomenon, na inaasahang lalakas sa mga darating na buwan hanggang sa unang bahagi ng 2024.
Inatasan ni Pangulong Marcos ang mga ahensya ng gobyerno na magbigay ng kinakailangang suporta sa mga probinsya na maaari pa ring makagawa ng pagkain sa kabila ng pinakamasamang epekto ng El Niño.
Bukod pa rito, magbibigay ang gobyerno ng mga emergency na oportunidad sa trabaho para sa mga magsasaka sa mga probinsya na hindi makapagpapanatili ng produksyon sa naturang panahon.
Ang mga pagsisikap na ito ay koordinahin sa pamamagitan ng inter-agency na El Niño Task Force, ayon kay Balisacan.
Kasabay nito, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng non-monetary measures para maprotektahan ang purchasing power ng mga Pilipino habang tinutugunan ng gobyerno ang isyu ng mataas na inflation.
“Moving forward, we will continue to leverage the full implementation of liberalization reforms to intensify investment promotion in the country and boost growth, thereby generating higher-quality employment opportunities for our growing labor force,” pahayag ni Balisacan, na nagpapasalamat sa Kongreso sa pagpasa ng pinagsama-samang bersyon ng Public-Private Partnership Act.
Sa sandaling lagdaan ng Pangulo bilang batas, malamang sa loob ng taon, sinabi ni Balisacan na ang batas ay magsusulong ng mas malaking partisipasyon ng pribadong sektor sa pagpapaunlad ng impraestruktura ng bansa.