EKONOMIYA NG PINAS SISIGLA

ECONOMY-2

NANANATI­LING kumpiyansa ang mga bangko sa paglago ng industriya at sa pagsigla ng ekonomiya ng bansa, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa Report on the Banking Sector Outlook Survey (BSOS) para sa second semester ng 2018 na ipinalabas ng BSP, lumitaw na kampante pa rin ang mga bangko sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa kung saan 86.1 percent ng respondents ay umaasang lalago ang domestic economy sa pagitan ng 6 percent at 7 percent sa susunod na dalawang taon.

Ayon pa sa survey ng central bank sa industry players, 70.2 percent ng  respondents ang umaasa na mananatiling matatag ang banking system, kung saan karamihan sa mga ito ay tiwalang lalakas pa ang sektor.

“Upbeat projections led more than 72 percent of respondents to expect double digit growth in assets and deposits, while 81.0 percent and 92.4 percent expect loans and profits to grow more than 10 percent, respectively,” sabi ng BSP.

“Bankers also expect digitalization to reshape the future landscape of the banking system with 73.5 percent of banks planning to use technology in their transactions in the near term.”

Ang upgrade ng S&P Global Ratings Banking Industry Country Risk Assessment (BICRA) sa ­Filipinas ay nakatulong din sa positibong pananaw.

“Universal and commercial banks (U/KBs) are most eager to expand market coverage with 75.8 percent and 84.4 percent of respondents projecting double-digit growth in assets and loans, respectively,” ayon pa sa survey.

Samantala, 76.9 percent ng rural at ­cooperative banks (R/CBs) ay umaasang tataas ang deposits ng 10 percent o higit pa. Ang thrift banks (TBs) ang pinaka-optimistiko sa kanilang profits kung saan 97 percent ng respondents ang umaasa ng double-digit net income growth.

Upang magkaroon ng katuparan ang inaasahang bank growth, ang mga  respondent ay naglatag ng mga sumusunod na strategic priorities para sa kanilang operasyon: ang palagun ang bangko; i-optimize ang paggamit ng available technology; at ang protektahan ang bangko.

Comments are closed.