KUMPIYANSA ang mga economic manager ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa takbo ng ekonomiya ng bansa para sa papasok na taong 2023.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin DIokno, ito ay base sa pananaw ng Asian Development Bank (ADB) sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa batay sa economic drawbacks gaya ng inflation at paghina ng piso laban sa dolyar.
Sa pinakahuling ADB Outlook 2022 update ay lalago ng 6.5% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ngayong taon.
Batay sa pag-aaral ng ADB, magkakaroon ng malaking pagbawi ang bansa kasunod ng pagluluwag sa COVID-19 restrictions na makatutulong sa paglago ng ekonomiya sa kabila ng mataas na inflation bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ang kailangan lamang, ayon kay Diokno, ay higit na palakasin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) ang kanilang massive tax drive laban sa tax evaders, smugglers at mga korap.
Minsan pang pinuna ng kalihim ang tila walang katapusang smuggling activities sa BOC, ang agawan ng tax cases sa BIR na ugat ng corruptions at ang mga hindi pagkakasundo at hindi pagkakaunawaan o hidwaan ng mga opisyal sa dalawang nabanggit na collection agencies sa isyu ng umano’y ‘palakasan’, ‘padrino’ at ‘bata-bata’ systems sa paglalagay sa mga juicy positions o agawan sa mahahalagang puwesto sa pamamagitan ng kani-kanilang backers.
Pinuri naman ng kalihim ang magandang collection performance ng mga opisyal ni BIR Commissioner Lilia Guillermo para makuha ang iniatang sa kanilang tax collection goal gaya nina Metro Manila BIR Regional Directors Ed Tolentino (East NCR), Albin Galanza (City of Manila), Jethro Sabariaga (South Makati), Gerry Dumayas (Caloocan City), Bobby Mailig (Quezon City) at Dante Aninag (Makati City), gayundin sina National Capital Region Revenue District Officers Bethsheba Bautista (West Makati), Renato Mina (Taguig-Pateros), Rodel Buenaobra (Novaliches), Abdullah Bandrang (North-QC), Antonio Ilagan (South-QC), Alma Celestial Cayabyab (Cubao), Deo Villar (Pasig City), Antonio Mangubat, Jr. (East Bulacan) at iba pa.
Umaasa sina Secretary Diokno at Commissioner Guillermo na sa patuloy na pagyabong ng ekonomiya ng bansa matapos ang pananalasa ng COVID-19 ay unti-unting makakamit ng Marcos administration ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Ang mga ginagawang pag-aaral ng ADB para sumigla pa ang ekonomiya ay malaking tulong sa liderato ni Presidente Marcos.
Sa pag-analisa ng ADB, lumalabas na 7.4% ang naitalang GDP sa bansa sa 2nd quarter ng taon, mas mabagal sa 8.2% GDP growth nooong 1st quarter ng 2022.
Pinanatili ng ADB ang projection na 6.3% growth sa bansa para sa taong 2023 at ito ay mangyayari lamang basta mapagtibay ng domestic demand ang paghihigpit sa monetary policy at ang mabilis na inflation rate para sa susunod na taon.
Walang duda na maganda ang mga plano ng Marcos administration in terms of ecomic development sa bansa.
Tanong lamang po kay Justice Secretary Crispin Remulla.
Posible po kayang malagay sa ‘hot-water’ ang isang city prosecutor sa lalawigan ng Cavite?
Ito ay sa sandaling maisampa ni veteran newspaperman Dodo Rosario ang mga kasong dereliction of duty, falcification of public documents, libel at unjust vexation na pawang may kaugnayan sa paglabag sa Revise Penal Code.
Ito’y matapos na akusahan ng prosecutor si Rosario na nagsampa raw ng mga walang basehang kaso laban dito na umano’y kapag hindi ito nakakuha ng ‘favorable ruling’ bagay na itinatanggi naman ng beteranong manunulat.
Sana’y mamagitan sa usaping ito si Secretary Remulla at maresolba sa lalong madaling panahon ang usaping ito.
Layunin ng espasyong ito na malutas ang nasabing kaso sa mahinahon na pamamaraan at magkasundo ang magkabilang panig!
Glory to GOD!
(Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].)