Ang OMNI Channel Marketing Consultancy, Inc. ay bagong mukha ng sales at marketing sa Pilipinas na maghahatid ng tradisyonal at digital marketing, ICT, franchising, leasing, at activation or events ayon sa kanilang ginanap na “Grand Launch” noong Agosto 28 sa Crowne Plaza Hotel.
Kinilala rin sa naturang event ang kanilang mga partner na kasama nila mula umpisa, mainit na pagtanggap at pagkilala sa mga bagong partner nito at pagpapakilala sa kakayahan ng kompanya na makapagbigay ng magandang serbisyo.
“Partnering with Omni Marketing, means partnering with 25-year experts in the field.” said Omni Marketing Executive.
Ang CEITEX, isa sa nangungunang consumer electronics at information technology expo sa bansa, ay ipinagkatiwala ang kanilang sales and marketing activities sa Omni Marketing. Nagsama-sama sila para makabuo ng isang experiential event para maipakilala gamit ang makabagong teknolohiya at iba’t ibang konsepto. Tatakbo ang naturang event sa SMX Convention Center sa darating na November 2 – 4, 2018.
Tumutulong ang Omni Marketing na mapabuti ang information and communication (ICT), kasama ang sales and marketing activation para sa makilala ang isang brand, pangangalaga sa franchise at lease sales para sa kanilang kita, pagpapanatili at pagpapalago, pagpapahalaga sa kanilang mabuting reputasyon at maingat na paghawak sa mga negatibong komento.
Hatid din ng kanilang kompanya ang all-in-one sales and marketing services at makapagbigay at makapagbigay ng mabusising strategy. Sinisiguro din nila na maging consistent ang mga negosyo sa lahat ng platform nito, makilala ang kanilang produkto–tradisyonal at digital at sales and marketing–na epektibong plano na malinaw at akmang hakbang.
“One of our expertises is partnering with franchising businesses and sells their franchise brand. We will not only serve as their marketing arm, but also cover everything that concerns business,” pahayag ng Omni executive.
Mula sa sa masusing market research, ipinakikilala rin ng Omni Channel Marketing ang natatanging “Franchising Business” na babago sa nakasanayang sistema ng industriya kagaya ng GadFetcher (Gadget Fetcher), isang ppop-up mobile phone, accessory at repair services na magsisilbing tapat at may integridad sa paghawak sa electronic device ng kustomer katulad ng kanilang tagline — Fetch, Send, Repair.
“In our company, we evaluate first the businesses’ external and internal factor, including their products and services before engaging with the project. We make sure that our business partners shall be granted consultancy in optimum method.” dagdag pa ng Omni executive.
Layunin ng kanilang kompanya na tulungan ang kanilang kliyente sa pamamagitang ng tapat at siguradong tuloy-tuloy na pag-angat: “We want to take good care of our brand, as we look at the long-term business relationship,” anila pa. CRIS GALIT
Comments are closed.