EKSTENSIYON PARA SA PAGPAPÁSA SA KWF PAMBANSANG KAMPONG BALAGTAS 2019

KWF-2

Tatanggap ng mga aplikasyon ang KWF hanggang 15 Pebrero 2019 para sa Pambansang Kampong Balagtas na mangyayari mula 2–4 Abril 2019, sa Orion Elementary School, Orion, Bataan.

Bukás ang tatlong araw na kumperensiya sa lahat ng mga kabataang manunulat mula 7–11 baitang. Kinakailangang nailathala ang mga tula at sanaysay ng mga kalahok sa kanilang pahayagang pangkampus noong 2018 at sa kasalukuyang taon.

Sasailalim ang 150 mapipiling kalahok sa tatlong araw na kumperensiya hinggil sa pagsusulat ng tula, sanaysanay, at maikling kuwento.

Magkakaroon din ng mga palihan para sa karagdagang pagpapahasa ng kanilang panulat.

Sasagutin ng KWF ang transpor­tasyon, pagkain, at akomodasyon ng mga mapipiling mag-aaral at kanilang mga tagapayo.

Bahagi ang Kampong Balagtas sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ng Filipinas tuwing Abril. Ipinangalan ito sa dakilang makatang si Balagtas, na ipi­nanganak noong 2 Abril 1756, at isa sa mga dahilan sa pagkakalikha ng Buwan ng Panitikan.

Balagtas: Katutubong Manlilikha ang tema ng Araw ni Balagtas 2019. Buklugan Panitikan naman ang tema ng Buwan ng Pani-tikan 2019.

Bumisita sa kwf.gov.ph para sa mga karagdagang detalye sa Kampong Ba­lagtas 2019 at iba pang im-pormasyon sa paparating na Buwan ng Panitikan.

Comments are closed.