MATAPOS ang Boracay ay ang ilang bahagi naman ng El Nido sa Palawan ang isasailalim sa rehabilitasyon ng pamahalaan.
Inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang three-month closure para sa Bacuit Bay at Corong-Corong Outfall dahil sa poor water quality sa nasabing mga lugar.
“It was found that Bacuit Bay and Corong-Corong Outfall are in dreadful condition with one outfall’s fecal coliform level reaching more than 3.4M MPN (most probable number)/100 ML,” nakasaad sa dokumentong ipinalabas ng DILG sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Tourism (DOT).
Ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing, inirekomenda ng ahensiya ang pagpapasara dahil nais malaman ng mga awtoridad kung saan nanggagaling ang maruming tubig. Aniya, ang ligtas na lebel ng tubig para sa swimming ay 100mpn lamang.
“This is compounded by the presence of informal settler families, non-enforcement of easement regulations on outfalls, and unregulated dry-docking and mooring activities,” nakasaad pa sa dokumento.
Partikular na nais ipagbawal ng DILG ang water activities upang mapangalagaan ang lugar at hindi magkasakit ang mga turista at local.
Ang Bacuit Bay ay kilalang puntahan ng island-hoppers dahil sa turquoise waters at mayamang marine life nito, habang ang Corong-Corong ay si-kat sa luntiang kagubatan at sunset views nito.
Ang Boracay ay muling binuksan noong October 2018 matapos ang six-month closure alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-rehabilitate ang isla, na tinawag niyang ‘cesspool’.
Kalaunan ay inanunsiyo ng inter-agency task force ang plano nitong isailalim sa rehabilitasyon ang top Palawan destina-tions El Nido at Coron. Nauna na ring ipinasara ng environment officials ang ilang establisimiyento sa El Nido dahil sa paglabag sa environmental laws.
Comments are closed.