UMABOT na sa P1.75 billion ang pinsala ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na walong rehiyon ang partikular na naapektuhan ng tagtuyot: Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Soccsksargen.
Napinsala ng El Niño ang 32,231 ektarya at naapektuhan ang kabuhayan ng 29,437 magsasaka.
Sa kasalukuyan ay nakapagtala na ang DA ng production loss na 48,332 metric tons ng bigas, 18,966 metric tons ng mais, at 7,794 metric tons ng high-value crops.