KORONADAL CITY – MAKARAAN ang ilang linggong malamig na madaling araw, agad tumaas ang temperatura at naramdaman sa ilang bahagi ng Mindanao ang epekto ng napakainit na panahon.
Nangamba ang ilan na banta ng El Niño weather phenomenon na namo-monitor ng Philippine Atmospheric Geographical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sinabi ni PAGASA forecaster Benrio Beñon, nasa estado aniya sila ng El Niño watch lalo na sa Region 12 na isa sa mga maaapektuhan ng dry spell.
Tinatayang papasok ang El Niño bago o pagkatapos ng Pebrero na posibleng tumagal ng limang buwan.
Posibleng tamaan ang mga probinsya ng South Cotabato, Sarangani, North Cotabato, Sultan Kudarat, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Bukidnon, Misamis Oriental, Davao del Sur, at iba pang mga kalapit na lugar.
Kaugnay nito, ngayon pa lang ay nangangamba na ang mga rice farmers lalo na sa Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, General Santos City) dahil malaking banta ito sa produksiyon ng bigas sa rehiyon na posibleng maging dahilan upang magkaroon na naman ng krisis sa pagkain. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.