EL NIÑO PINAGHAHANDAAN NA NG NDRRMC

NDRMMC

CAMP AGUINALDO –  NAGPULONG na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)  para paghandaan ang epekto ng El Niño na nararanasan sa ibang lugar sa bansa.

Pinangunahan ni DOST Undersecretary for Disaster Risk Reduction and Climate change Director Renato Solidum  ang tech-nical management group meeting na ginawa sa NDRRMC ope­ration center.

Sa pagpupulong, tiniyak ng PAGASA, na patuloy nilang imo-monitor ang day to day weather condition habang ang El Niño Task Force na pinamumunuan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ay nakatutok sa impact ng El Niño.

Kompiyansa ang NEDA na kakayanin ng gobyerno ang epekto ng El Niño matapos na mapagtagumpayan ito noong 2015 hanggang 2016.

Sa ngayon bilang paghahanda sa epekto pa rin ng El Niño nagpapatuloy ang NDRRMC member agencies  sa pakiki­pag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para matiyak ang kahandaan ng mga ito. REA SARMIENTO

Comments are closed.