EL NIÑO PORTAL ILULUNSAD VS EL NIÑO

UPANG ibsan ang epekto ng matinding init dahil sa El Nino phenomenon, ilulunsad ng pamahalaan ang El Niño portal.
Ang paglulunsad ay pangungunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang matiyak na sapat ang mga hakbang na mapakikinabangan ng lahat.
Ang launching ay ibinalita ni Defense Secretary Gilbert Teodoro matapos bumisita sa Camp O’Donnel sa Capas, Tarlac kamakalawa.
Ang El Niño Portal ay bahagi ng komprehensibong pagtugon ng pamahalaan sa epekto ng matinding tagtuyot sa bansa.
Magsisilbi aniya itong mahalagang kasangkapan sa pagkolekta ng datos upang makatugon sa water supply shortage.
Si Teodoro ang Chairman ng Task Force El Niño na nilikha ng pangulo para ipatupad ang whole of government approach sa pagtugon sa problemang kaakibat ng El Niño phenomenon.