PATULOY na nararanasan ng mga magsasaka sa iba’t ibang panig ng bansa ang epekto ng El Niño phenomenon, partikular sa mga lalawigan kung saan nakakalbo na ang ilang kabukiran at natutuyo ang ilang pananim at ilog.
Napag-alaman na ang ilang magsasaka sa ilang probinsiya ay nakararanas na ng tagtuyot tulad sa Cauayan, Isabela sa Luzon habang matindi ang nararanasang dry spell kung saan nasa mahigit P120 milyong halaga ng pananim na ang nasira.
Kaugnay nito, nanawagan ang mga magsasaka ng dagdag-tulong para sa cloud-seeding operations.
Samantala, sa Mindanao, ang dry spell ay nakaapekto na sa 600 ektarya ng mga bukirin sa bayan ng Upi sa lalawigan ng Maguindanao.
Nabatid naman na sa Camarines Sur sa Timog Luzon, ang mga residente sa bayan ng Bula ay nagpahayag ng pangamba na ang tubig sa Bula River ay unti-unting matutuyo kung patuloy ang dry spell.
Ipinarating ng mga residente na karaniwang ang tubig ng ilog ay umaapaw ngunit sa kasalukuyan, ang lebel ng tubig ay bumaba sa antas ng tuhod.
Habang sa bahagi ng Tuguegarao sa Cagayan, ang mga hayop sa sakahan ay naapektuhan ng mataas na temperatura kung saan nalalantad ang mga hayop sa mataas na panganib ng heat strokes. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.