Mga laro bukas:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Dyip vs Phoenix
7 p.m. – NLEX vs TNT
SUMANDAL ang Rain or Shine sa late fourth-quarter surge upang maitakas ang 99-82 panalo laban sa Blackwater at putulin ang four-game slide sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Cuneta Astrodome.
Tumapos ang bagong import na si Kwame Alexander na may 17 points, 16 rebounds, 3 assists, at 3 steals at sinindihan niya ang closing 15-1 run na sinandigan ng Elasto Painters upang kunin ang ikalawang panalo sa pitong laro.
Nagbanta ang Elite sa 81-84, wala nang apat na minuto ang nalalabi, bago umiskor si Alexander ng 6 points sa 10-0 spurt – isang triple at isang three-point play – upang bigyan ang kanyang koponan ng 13-point advantage.
Sinelyuhan nina rookies Rey Nambatac at Ed Daquioag ang panalo sa pagkamada ng 5 points sa huling minuto kung saan nagmintis ang Blackwater sa kanilang huling pitong tira.
Nagbuhos si Nambatac ng 18 points upang pangunahan ang Rain or Shine at nagdagdag ng 7 rebounds, 7 assists, at 2 steals.
Nag-ambag si Beau Belga ng 17 points, 5 rebounds, at 3 steals habang gumawa si Daquioag ng 13 points.
Sa pagkaka-foul out ni Belga at paggawa ng technical foul ay nakadikit ang Elite sa 80-84, ngunit nagkumahog sa line kung saan nagmintis si Ray Parks sa technical free throw at na-split ni Marqus Blakely ang kanyang foul shots.
Bumawi si Parks, may average lamang na 8.5 points sa nakalipas na dalawang laro, sa pagkamada ng 27 points at 11 rebounds.
Bumagsak ang Blackwater sa 2-5 kartada.
Tumapos si Blakely na may 21 points, 12 rebounds, 6 assists, 4 steals, at 2 blocks, habang nag-ambag si Mike Cortez ng 16 points at 5 rebounds.
Iskor:
Rain or Shine (99) – Nambatac 18, Alexander 17, Belga 17, Daquioag 13, Exciminiano 8, Ponferada 7, Borboran 7, Norwood 5, Mocon 3, Onwubere 3.
Blackwater (82) – Parks 27, Blakely 21, Cortez 16, Sumang 7, Belo 7, Maliksi 2, Sena 2, Cruz 0, Desiderio 0, Heruela 0, Al-Hussaini 0, Jose 0.
QS: 20-26, 49-40, 69-67, 99-82.
Comments are closed.