CAMP CRAME – BUHAY pa ang pag-asang mapiling hepe ng Philippine National Police (PNP) sina Lt. Gen. P/Lt. Camilo Cascolan at MGen. Guillermo Eleazar, chief ng Directorial Staff.
Ito ay nang ihayag ni PNP spokesman BGen. Bernard Banac na hindi pa opisyal na hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si OIC PNP Chief LtGen. Archie Francisco Gamboa para humalili kay General Oscar Albayalde na nasa non-duty status.
Kahapon ay kumalat ang isang memorandum circular na sinasabing nagmula sa PNP TACDS na nagsasaad hinggil sa nakatakdang turnover ceremony sa Oktubre 29 ganap na alas 2:00 ng hapon sa Multi Purpose Hall sa Camp Crame kung saan sinasabing opisyal na hahalinhan ni Gamboa si Albayalde at tatayong presiding officer ang punong ehekutibo.
“No announcement from PRRD yet… baka for planning purposes lang nila siguro. As of now, nothing final yet, plans and details may still change but we should be ready, in case matuloy, whoever becomes the chief PNP,” ayon kay Banac. VERLIN RUIZ
Comments are closed.