CAMP CRAME– UMANGAT ang ranggo ni Major Gen. Guillermo Eleazar na pinuno ng Directorial Staff ng Phillipine National Police na ngayon ay 3-star general o lieutenant general.
Si Eleazar na isa sa mga matunog na contender para sa top PNP Post ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Hinirang Class of 1987.
Kabilang ang opisyal sa mga inirekomenda ni Interior Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa mga kandidato bilang susunod na PNP chief.
Epektibo noong Nobyembre 29 ang promosyon ni Eleazar subalit kahapon lamang ang oath-taking at donning-of-rank sa Camp Crame, Quezon City.
Sa inspirational message ni Lt. Gen. Archie Gamboa, PNP officer-in-charge, isa si Eleazar sa pinakamasipag na opisyal ng PNP partikular nang ito ay PNP-NCRPO chief. VERLIN RUIZ
Comments are closed.