ELEAZAR SUPORTADO ANG KABABAYANG SI CARLOS

NANAWAGAN si outgoing Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar sa lahat ng miyembro ng PNP na magkaisa na suportahan ang magiging susunod na PNP Chief na si PLt. Gen. Dionardo Carlos.

Ayon kay Gen. Eleazar taglay ni Carlos ang lahat ng kuwalipikasyon para sa pinakamataas na posisyon sa PNP, at nakita ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya ang lahat ng “criteria” na hinahanap niya sa isang PNP Chief.

Qualifed aniyang pamunuan ni Carlos ang PNP batay sa kanyang seniority, merit, at personal competence.

Dagdag pa ni Eleazar na bilang kanyang Chief, Directorial Staff, si Lt. Gen. Carlos ang naging instrumento ng pagsulong ng Intensified Cleanliness Policy sa PNP.

Binati naman ni Eleazar si Carlos sa kanyang promosyon, kasabay ng pag-alok ng anumang maitutulong niya bilang dating hepe ng Pambansang Pulisya.

Si Eleazar ay bababa sa puwesto ngayong Biyernes, Nobyembre 12, isang araw na mas-maaga sa kanyang mandatory retirement sa Sabado pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.

Sina Eleazar at Carlos ay pawang anak ng Quezon. REA SARMIENTO