TUMAAS pa ang posisyon ni Maj. Gen Guillermo Eleazar na mula National Capital Region Police Office (NCRPO) nang italaga bilang hepe ng Directorial Staff o no. 4 sa mataas na opisyal ng organisasyon at papalapit na sa top post ng Philippine National Police (PNP).
Sa press conference kahapon na pinangunahan ni B/Gen. Bernard Banac, hepe ng PNP Public Information Office, kinumpirma nito ang paggalaw o rigodon ng apat na heneral na may hawak ng maseselan subalit mahahalagang posisyon.
Paliwanag ni Banac, ang movement ay epekto ng pagreretiro kahapon ni Lt. Gen. Fernando Mendez, PNP deputy chief for administration, ang Number 2-man ng PNP makaraang marating ang mandatory age na 56.
Si Mendez ay 37 taong nagserbisyo sa PNP.
Umangat din ang posisyon ng ilang heneral na may hawak na key positions na sina LtGen. Francisco Archie Gamboa na pumalit kay Mendez bilang Deputy Chief for Administration o Number 2, si LtGen. Camilo Cascolan, ang bagong Deputy Chief for Operations.
At mula naman sa Central Visayas ang papalit kay Eleazar na si BGen. Debold Sinas bilang direktor ng NCRPO. EUNICE C.
Comments are closed.