ELECTION AREAS OF CONCERN PINATUTUKOY NA

WALONG buwan ba­go ang Midterm and BARMM Elections sa May 2025, inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Marbil ang mga commander nito na simulan na ang pagtukoy sa mga posib­leng “election areas of concern.”

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na ang mga pulis ngayon ay nasa “election mode” dahil sa nalalapit na paghahain ng mga certificates of candidacy (COC) sa buwan ng Oktubre.

Ibibigay naman ng PNP ang mga impormas­yon na kanilang makukuha sa Commision on Elections (COMELEC) para sa mga lugar na mapapasailalim sa election areas of concern.

Bukod dito, pag-aaralan din ng PNP ang mga lugar kung saan kailangan ng dagdag na tauhan para maiwasan at agad na masukol ang anumang posibleng election-related violence.

Gaganapin ang paghahain ng COC mula Oktubre 1 hanggang 8 at hanggang katapusan ng Setyembre ang registration.

EUNICE CELARIO