IPINAHAYAG ni Interior Secretary Juanito Victor ”Jonvic” Remulla III nitong Martes na mayroong 38 hot spots na sinisilip bago ang 2025 midterm elections.
Sa press briefing, inihayag ni Remulla na sa 38 hot spots, 27 ang nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sinabi ni Remulla na binabantayan din ng mga awtoridad ang sitwasyon sa Albuera, Leyte dahil mayroon umanong naiulat na mga nasawi sa nasabing lugar.
”’Yun we will watch closely kung anong nangyari doon,” ani Remulla.
Nauna nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na aalamin nito kung kakailanganing magdagdag ng tauhan sa ilang lugar bilang paghahanda sa posibleng election-related violence.
EVELYN GARCIA