ELECTION HOTSPOTS TINUTUKOY NA NG PNP

PATULOY na bina-validate ng Philippine National Police (PNP) ang mga lugar na idedeklarang election hotspots para sa nalalapit na 2022 elections.

Ayon kay PNP chief, Dionardo Carlos nangangalap na sila ng mga impormasyon upang matukoy ang mga idedeklarang election watchlist of areas (EWAs) para maumpisahan din ang paglalatag ng plano sa ipatutupad na seguridad.

Sa pagtukoy ng election watchlist areas magkakaroon ng color-coded category kung saan Green kung peaceful; Yellow para sa Areas of concern; Orange para sa Areas of Immediate Concern; at Red para sa Areas of Grave Concern.

Paalala naman ni Carlos hindi dapat ituring na negatibo laban sa isang LGU kung ito ay maisasama sa hotspot o watchlist.

Magbibigay aniya ito ng oportunidad sa PNP upang maawat ang kriminalidad at makapagsasasagawa ng maagang hakbang para mapanatili ang kapayapaan sa lugar.