ELECTION OFFICER SA MASBATE 2 PA, IPINALILIPAT

comelec

IPINALILIPAT sa Commission on Elections (Comelec) ang isang election officer sa Masbate at dalawang iba pa.

Sa kanyang reklamo sa Comelec, sinabi ni Purisima A. Martinez, residente ng  Brgy. Canvanez, Batuan, Masbate, na sina election officer Lalaine A. Yuson ng  Municipality  of  San Fernando, Masbate; provincial officer supervisor Atty. Alberto T. Canares; at election assistant Lady Fritzi A. Solana ng Batuan, Masbate ay dapat na agad mailipat sa ibang lugar upang hindi sila pisikal na makapanghimasok at  mamaniobra ang election results sa  Batuan at sa unang distrito ng  Masbate.

Hiniling din niya sa poll body ang pag-iimbestiga sa mga gu­magawa ng electoral sabotage.

Ayon kay Martinez, simula noong Agosto 2018 nang magpasiya si Marco Martin Martinez Cam na kumandidato bilang alkalde ng Batuan, Masbate kung saan kasalukuyang mayor si Charmax A. Yuson, ang anak ni Lalaine Yuson, at ang vice mayor na si Charlie Yuson ay kanyang asawa, nagpadala na siya ng mga liham na may petsang Agosto 14, 2018, na humihiling ng ‘impartial,  fair, honest, orderly  and  peaceful’ registration at election.

Aniya, humiling siya sa tanggapan ni Canares, provincial election supervisor (PES), ng photocopy ng voter’s registration hanggang May 2018 barangay election at ng staff  na itatalaga sa Comelec-Batuan sa isinasagawang registration.

Sa kanyang reklamo, sinabi pa niya na si Solana ay nakatira sa family compound ni Mayor Yuson.

“That EO LALAINE A. YUSON, mother and wife of Mayor Chairmax and Vice Mayor Boodgie Yuson, respectively, the family ties that binds their relationship and proximity of her official assignment and function that will influence the result of the Comelec-Batuan voter’s registration, to put emphasis, NON PARTISANSHIP of the COMELEC office is seriously compromise,” nakasaad pa sa reklamo ni Martinez.

“That in    line with   this   prayer,  we  are expecting and  have consistently maintained that there should be fair, honest, transparent and peaceful elections despite the fact  that elections  in  Batuan  always  marred and tainted with unreported political violence with killings here and there to scare its constituents and other election related violations,” dagdag pa niya.

Comments are closed.