ELECTION PERIOD SIMULA NA

SIMULA na ang  2022 election period sa bansa nitong Enero 9, na hudyat ng mga  pagbabawal ng pagdadala ng mga armas na maari lamang payagan  kung may certificate of authority mula sa  Commission on Elections (Comelec).

Itinayo na rin ang Comelec checkpoints sa bawat lungsod o bayan.

Ang  election period ay  magtatapos sa Hunyo 8.

Ayon kay Elaiza David, Director  ng Office for Overseas Voting ng Comelec, ang gun ban ay upang matiyak ang kaayusan ng bansa.

Hanggang noong Disyembre 2021, mahigit sa  500 election hotspots ang natukoy ng Philippine National Police.

Ibinabawal din sa election period ang suspension ng halal na  local officials, gayundin ang paglilipat ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

Nakatakdang mag-imprenta ng balota sa    Enero 15.