INIURONG na ni Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino ang kanyang election protest laban kay Senador Leila de Lima upang muling tumakbong senador sa midterm elections sa May 2019.
Sa kanyang programang Tol Online sa DWIZ, sinabi ni Tolentino na kailangan niyang maghain ng notice to archive upang maiwasan na maglabas ng resolusyong pumapabor kay De Lima ang Senate Electoral Tribunal (SET).
Ayon kay Tolentino, ang mga hawak niyang ebidensya tulad ng audit log report ay ibibigay niya kay dating Senador Bongbong Marcos upang magamit sa kanyang protesta laban sa pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo.
Nasa ika-12 puwesto si De Lima noong nakaraang eleksiyon samantalang pang-13 si Tolentino.
Si Tolentino ay nakatakdang maghain ng kanyang COC sa susunod na linggo.
Comments are closed.