NANAWAGAN ang Teachers Dignity Coalition (TDC) na mabigyan sila ng “electoral justice” dahilan umano sa “kalapastanganan” ginawa sa kanila noong nakalipas na taong 2013 – 2016.
Ayon sa pahayag ng taga pagsalita na si Benjo Basas, at Chairman ng Teachers Dignity Coalition (TDC) at Pambansang Tagapagsalita ng Atin Guro Party-list sa ginanap na Forum sa B Hotel na pinangunahan nina Rick Sakai lll at Tracy Cabrera sa Lungsod ng Quezon, sinabi ni Basas na hindi na sila nag-file ng MR (Motion for Reconsideration) sa “denial with finality” decision ng Comelec at sa halip ay dumiretso na sila sa Supreme Court.
Nagpasa sila ng petition for certiorari sa Supreme Court para bigyang puwang at pag-aralang mabuti ang pagpasok ng Atin Guro sa Party-list election sa 2025.
Niliwanag ni Basas na ang Atin Guro Party-list na para sa kanila ay nanalo noong 2016 pero hindi sila binigyan ng pagkakataong maka-upo.
Nag-file sila sa Comelec ang TDC under SEC (Securities and Exchange Commission) at DOLE (Department of Labor and Employment) na kinabibilangang ng public teachers, ang kanilang grupo bilang, ang Atin Guro ay political party under the Party-list System.
Itinalaga siyang tagapagsalita ng Atin Guro last week at kahapon araw ng Biyernes ay nagsadya sila sa Manila Hotel despite the fact na denied sa kanila ang pag-upo noong 2016.
“Partial pero substantially we only have 2,800 members. Nakita ng Comelec na meron doong doble at inalis nila ang nasal abas ng NCR at supposed to be nasa Metro Manila at 2,600 na lang. Hindi talaga siya partial, na buong kasapian na may membership form. Meron din sa Pampanga at Bacolod City, pero hindi na namin isinama,” sabi ni Basas.
Meron isang document sa petition na finile nila sa Comelec provided ang addresses ng kanilang leaders at ang hindi nakasulat sa TDC ay hindi pwede.
Naglabas ng resolution ang kanilang grupo na recognized ang pagtakbo ng TDC Party-list at nagfile sila ng appeal sa Comelec noong August 30.
Nagbanta si Basa kung sakaling muli silang ma-disqualified ay dudulog sila sa Supreme Court.
EVELYN GARCIA