ELECTRIC VEHICLES NG MERALCO PINAIGTING PARA SA GREEN MOBILITY PROGRAM

MAY  karagdagang electric vehicles (EV) ng MERALCO ang ipinamahagi sa mga departamento at opisina nila bilang bahagi ng mas pinaigting na programang Green Mobility ng kanilang kompanya. Ito ay naglalayong isulong ang paggamit ng mas malinis na alternatibo para sa transportasyon. May karagdagan na mga bagong EV na may bilang na 69 na sasakyan ang magbebenipisyo sa nasabing programa.

Ang bagong batch ng EV na binubuo ng mga kotse, van, pick-up truck, at motorsiklo na nagsisilbing transportasyon ng tauhan ng kompanya mula sa business center at sector offices na nakatalagang maghatid ng serbisyo para sa customers ng Meralco. Bukod dito ay mayroon nang halos 69 na electric motorcycles na kasalukuyang ginagamit ng mga field personnel ng Meralco. Ang paglulunsad ng panibagong batch ng EV ay alinsunod sa plano ng kompanya na gawing electric vehicle ang lahat ng sasakyang ginagamit sa operasyon at serbisyo nito.

Sa kasalukuyan, ang lahat ng service vehicles sa Metro Manila business centers ay electric na. Sa ilalim ng Green Mobility Program, nilalayon ng Meralco na mapababa ang greenhouse gas emissions nito at itulak ang paggamit ng EV sa bansa. Sa ceremonial launch ng mga bagong EV noong ika-7 ng Disyembre, inanunsiyo ni Meralco President at CEO Atty. Ray C. Espinosa na ang Green Mobility Program na pati ang mga subsidiaries ng kompanya ay sasali na sa Green Mobility Program. “Through this Program, we express our full support to the Philippines’ transition to electric transportation. As we look forward to the government’s enactment of the EV Bill—which will provide incentives to both EV suppliers and users—we welcome a greener, cleaner, and safer environment in our streets and thoroughfares,” sabi ni Espinosa.

Maglalagay rin ng limang charging stations sa iba’t-ibang pasilidad sa loob ng franchise area ng Meralco upang suportahan ang EVs. Sa pamamagitan ng subsidiary nitong eSakay, Inc., ang Meralco ay naghahatid din ng end-to-end na EV at charging infrastructure solutions sa mga customer nito. “Beyond delivering accessible and reliable electricity service to households and businesses, we, in Meralco, are also at the forefront of providing sustainable solutions to our customers. With our important and intensified shift to vehicle electrification, we hope to influence and inspire others to follow suit and to likewise embed sustainability in their operations,” sabi naman ni Raymond B. Ravelo, Meralco Chief Sustainability Officer at eSakay President and CEO.

Ang Green Mobility Program ay isa sa mga pangunahing inisyatiba sa ilalim ng sustainability agenda ng Meralco, na nakatugma sa Sustainable Development Goals ng United Nations. Kabilang din sa mga prayoridad sa ilalim ng ahendang ito ang maayos na pag-transition ng Meralco sa paggamit ng clean energy sa mga susunod na taon; ang paggamit ng plant-based ester oil sa mga distribution transformer nito; at ang programang One For Trees, kung saan layunin ng Meralco na makapagtanim ng limang milyong puno pagdating ng taong 2025. Bilang pagtatapos, sinabi ni Espinosa: “All these important initiatives are a testament to One Meralco’s pledge to protect and preserve our planet—and ultimately, to power good lives not only for ourselves today, but also for our children’s tomorrow.”

O, sino ngayon ang magsasabi na ang Meralco ay pulos coal plants ang inaatupag? Sumasabay, nakikinig at pinag-aaralan ng Meralco ang lahat ng maaaring magawa nila upang makatulong sa malinis na kapaligiran at sa proteksiyon ng ating kalikasan.