ELECTRICIAN PATAY SA AIRPORT ROAD

ILOCOS NORTE – DEAD on arrival sa ospital ang isang electrician matapos masangkot sa vehicular sa airport road na sakop ng Brgy. Bengcag sa lungsod ng Laoag.

Nakilala ang biktima na si Jonathan Ramos Tamayo, 31-anyos, caretaker ng isang electrical supply at residente ng nasabing barangay.

Base sa imbestigasyon ng PNP-Laoag, habang binabaybay ng biktima ang naturang kalsada kanlurang direksyon gamit ang isang motorcycle ay bigla itong nawalan ng kontrol sa manibela.

Dahil dito, dumiretso ang biktima sa isang poste sa kalsada dahilan upang magtamo ng sugat sa ulo at iba parte ng katawan nito.

Naitakbo si Tamayo sa ospital ngunit binawian ng buhay habang ginagamot ng mga doktor.