IMPRESIBO ang ulat ng pamahalaan na kaunting porsyento na lamang ang hindi naaabot ng koryente.
Sa datos ng Department of Energy nasa 93.12% ang electrification status ng bansa.
Natukoy ito sa pagtalakay ng P3.085-B budget ng ahensya kung saan sinabi ni Energy Policy and Planning Bureau Dir. Michael Sinocruz na katumbas ito ng 26 million na kabahayan na napailawan na.
Sa ngayon, nananatiling hamon na maserbisyuhan ang nasa 1.1 million household na hindi pa nakakabitan ng koryente sa Mindanao o katumbas ng 81% electrification status.
Naniniwala kami na magagawan ito ng paraan ng pamahalaan at tinutukan din ito.
At ngayong natukoy ang mga lugar na walang pang koryente, inaasahang mapabibilis ang kilos ng gobyerno lalo na ang pagpopondo.
Maging ang concerned LGUs ay inaasahang kikilos para mailawan na ang lahat ng household.