TUMAAS ang electronic exports ng bansa ng 3.1 percent sa unang limang buwan ng taon.
Sa datos ng Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines Foundation Inc. (Seipi), ang electronic exports noong Mayo ay sumirit sa $3.13 billion. Mas mataas ito ng 2.29 percent sa $3.06 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sa kabuuan, ang industriya ay nakapag-ambag ng 54.38 percent sa commodity exports noong Mayo na nagkakahalaga ng $5.76 billion. Lima sa siyam na product lines ng Seipi ay lumago rin sa nasabing buwan, sa pangunguna ng telecommunication, consumer electronics at office equipment.
Sa paglago noong Mayo, ang year-to-date electronic exports ay tumaas ng 3.1 percent sa $14.88 billion mula sa $14.44 billion noong 2017. Ito ay 55.30 percent ng commodity exports ng bansa mula Enero hanggang Mayo, na nagkakahalaga ng $26.91 billion at mas mababa ng 5 percent.
“Semiconductor devices remained to be Seipi’s top export product at $10.92 billion, while electronic data processing came in next at $2.47 billion. Electronic data processing, office equipment and consumer electronics rounded the industry’s top product exports for the January-to-May period.”
Target ng Seipi na lumago ng 6 percent ngayong taon makaraang magposte ito ng all-time high receipts na $32.7 billion noong 2017.
Nahaharap ang industriya sa maraming pagsubok, lalo na sa pag-igting ng trade war sa pagitan ng China at ng United States.
Umapela rin ang Seipi sa pamahalaan na ibaba ang corporate income tax (CIT) sa 10 percent para sa electronic exporters sa ila-lim ng panukalang second package ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP).
Ang industriya ay laging nakapag-aambag ng mahigit sa 50 percent ng Philippine commodity exports. Nagbigay rin ito ng trabaho sa mahigit 3.2 million workers. ELIJAH FELICE ROSALES
Comments are closed.