ELECTRONICS TAX PAYMENT!

Erick Balane Finance Insider

HINDI na kaila­ngan pang pumila ng mahaba ang tax-paying-public para magbayad ng kanilang 2019 income and business taxes para sa taxable year 2020. Ito ay  sa pamamagitan ng paggamit ng mobile phones, pahayag kahapon sa isang press conference ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay.

Nagkasundo ang BIR at ang PayMaya, isang digital financial services, na gamitan ng mas mo­dernong pamamaraan ang pagbabayad ng buwis upang mas mapadali ang pagkolekta nito, mapawi ang siksikan, mahabang pila at pagkukumahog sa annual deadline ng tax payment sa pamamagitan ng paggamit ng 24/7 mobile phones.

“We are happy to offer PayMaya as new payment channel where individual Filipino taxpayers can easily remit their taxes, no matter where they are in the country,” ani Commissioner Billy.

“We are proud to be enabling the BIR with new options for card and wallet payments through PayMaya. As more Filipinos go digital, the BIR is opening up secure, convenient, and reliable options to the tax-paying public. Now, it’s easier than ever to pay your correct taxes using only your mobile phone with the help of PayMaya. Account holders, who will pay their BIR taxes via PayMaya on February 15, 16, 22, 23 and 29 are entittled to one-time P100 cashback if the BIR payment is among the first three unique biller payments made during the promo period and all you have to do is pay at least P1,000 for their tax payment to qualify for the bills,” paliwanag ni Mr. Orlando Vea, founder and CEO ng PayMaya.

Simple lamang ang dapat gawin gaya ng pag-log in sa inyong PayMaya account sa pamamagitan ng pag-click sa pay bills option, hanapin ang BIR logo, ipasok ang detalye sa tax payment with tax identification number, branch code, amount, district office code, type of form, ipasok ang iyong email address para makatanggap ng payment receipt, saka pindutin ang ‘pay’ sa pagtatapos ng transaksiyon.

Ang taxpayers ay agad makatatanggap ng notification sa pamamagitan ng SMS o sa inyong email bilang katibayan na kayo ay bayad na sa buwis.

Bukod sa BIR, tumatanggap na rin ng  bills  payment  ang PayMaya gaya ng Social Security System, Home Development Mutual Fund, Pag-Ibig Fund, Department of Trade and Industry, Department of Foreign Affairs Tourism Infrastructure and Economic Zone Authority, Professional Regulation Commission, National Home Mortgage Finance Corporation, City of Valenzuela at sa hinaharap ay posibleng maging bahagi na rin ang Quezon City, City of Manila, Caloocan City, Makati City, Pasay City at iba pang siyudad sa Metro Manila at karatig probinsiya.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner for Operations Atty. Arnel Guballa, malaking tulong ang makabagong digital tax method lalo pa’t napakalaki ng obligasyon ng Kawanihan sa dapat kolektahing buwis sa taong ito.

Ayon kay DepCom Guballa, ang target tax goal ngayong 2020 fiscal year ng BIR ay umaabot sa P2.576 trillion, sa nasabing goal, ang P2.495 trillion ay collections for operations, P1.673 trillion ang sa Large Taxpayers Service, P821.935 bilyon sa Revenue Regions na hinati-hati sa P16 bilyon para sa Calasiao, P6 bilyon sa Cordillera Administative, P10 bilyon sa Tuguegarao, P38 bilyon sa San Fernando, Pampanga; P34 bilyon sa Caloocan City, P57 bilyon sa City of Manila, P96 bilyon sa Quezon City, P90 sa  East NCR, P129 bilyon sa Makati City, P123 bilyon sa South NCR, P47 bilyon sa Cabamiro, P33 bilyon sa Laquemar, P10 bilyon sa Legazpi City, P10 bilyon sa Iloilo City, P12 bilyon sa Bacolod City, P38 bilyon sa Cebu City, P8 bilyon sa Easter Visayas, P7 bilyon sa Zamboanga City, P11 bilyon sa Cagayan De Oro City, P5 bilyon sa Butuan City, P9 bilyon sa Koronadal City at P21 bilyon sa Davao City.

Ang 2020 tax campaign kick-off ng BIR ay nakatakdang idaos sa Pebrero 18 sa Philippine International Convention Center kung saan inaasahang panauhing pandangal si Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte at Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez 3rd.

Isang papuri ang inaasahang ihahayag ng Pangulong Digong sa ipinamalas na magandang tax collection performance nina BIR Regional Directors Grace Javier (Caloocan City), Glen Geraldino at Maridur Rosario (Makati City), Albin Galanza at Romulo Aguila (Quezon City), Jethro Sabariaga (Manila), Ric Espiritu (Laquemar), Ed Tolentino (San Fernando, Pampanga), Dante Aninag (Cagayan De Oro City), Josie Virtucio (Tuguegarao) – gayundin kina Metro Manila Re­venue District Officers Vicente ‘Boy’ Gamad (Pasig City), Bethsheba Bautista (San Juan City), Joe Luna (Quiapo, Manila), Arnold Galapia (QC South), Antonio ‘Jun’ Mangubat, Jr. (Parañaque City), Rufo Ranario (Valenzuela City) at iba pa.

“The President congratulated the men and women of BIR-BOC for the services of the JOB WELL DONE,” ani Secretary Sonny.



(Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa  09293652344/ 09266481092 o email:­erickbalane04­@yahoo.com)

Comments are closed.