ELEKSIYON SA MAYO ‘DI MATITIYAK NA 100% PEACEFUL

HINDI magagarantiya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 100% peaceful election.

Ayon sa Pangulo, posible kasi na maa­ring magkaroon ng isa, dalawa o tatlong mga election related incidents partikular na sa Mindanao.

Sa katunayan, sa Cotabato, kanya nang binalaan ang armadong grupo roon na hindi niya pahihintulutan ang anumang karahasan o terorismo sa panahon ng eleksiyon.

Giit ng Punong Ehekutibo, nais niyang maging mapayapa ang mga gagawing pa­ngangampanya ng bawat kandidato.

Sinuman aniyang maghahasik ng kaguluhan ay kanyang personal na pupuntahan. DWIZ882