Naghain si Senate President Chiz Escudero ng panukala na naglalayong ipagpaliban ang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ito ay dahil sa kamakailang desisyon ng Korte Suprema na hindi kasama ang Sulu sa rehiyonal na grupo.
Ang unang parliamentary election ng BARMM ay nakatakda sa 2025, subalit, itinutulak ni Escudero na maganap ito sa Mayo 11, 2026.
“Importanteng magawa ‘yan para mabigyan ng notipikasyon na ang ating mga kababayan dun sa BARMM kaugnay ng balak ng Kongreso na ipagpaliban ang eleksyon at ang pangunahing dahilan ay ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng lalawigan ng Sulu,” ani Escudero.
Samantala, umaasa si Escudero na sertipikahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang urgent ang kanyang Senate Bill No. 2862.
Ang Commission on Elections ay nagsimula nang tumanggap ng mga certificate of candidacy para sa 2025 BARMM parliamentary elections.
LIZA SORIANO