ELEKSYON SA NPC UMARANGKADA NA

UMARANGKADA na ang botohan sa National Press Club (NPC) para sa mga susunod na opisyal sa loob ng dalawang taong termino na pinamunuan ni veteran reporter Dave Veridiano ang chairmanship ng Commission on Elections (Comelec).

Kasama sa Comelec sina Vicky Cervales, bilang vice chairman ng Pilipino Mirror; Joseph Muego, member at Cecile Cruz, ng Radyo Pilipinas bilang secretary.

Nagsimula ang botohan dakong alas-10 ng umaga nitong Mayo 3 upang bigyan ng pagkakataon ang lahat ng lifetime members na karamihan ay senior citizens at regular members na may coverage sa Mayo 5 na makapag-advance voting.

Nagtayo ang NPC sa pamumuno ni President Lydia Bueno, editor in chief ng pahayagang Remate ng isang airconditioned tent para mapangalagaan ang kalugusan ng lifetime members at seniors laban sa tumitinding init ng araw.

Magtatayo din ang NPC ng katulad ng airconditioned tent sa Linggo, Mayo 5, opisyal na araw ng botohan para sa katulad ng kadahilanan.

Itinakda ang botohan ngayon Mayo 3, hanggang alas otso ng gabi alinsunod sa desisyon ng Comelec para sa miyembro ng pawang may desk works.

Pagpipilian ng botante ang dalawang kandidato sa pagka-Presidente ng Press Freedom Party si Leonel “Boying” Abasola ng Philippine News Agency (PNA) at independent candidate Joey Venancio, editor in chief ng pahayang Police Files.

Kabilang din sa kandidato ng Press Freedom Party bilang executive officers sina dating DENR Undersecretary Benny Antiporda bilang bise presidente; Kristina Tina” Maralit (Manila Times), bilang kalihim; Mina Navarro (Abante) bilang ingat-yaman; at Bueno bilang auditor.

Kasama sa pagpipilian sa director ng Press Freedom Party sina: Benedict Abaygar Jr. – Pilipino Mirror; Madz Dominguez – Abante; Jeanny Lacorte – Abante ; Jun Mendoza – Philippine Star; Alvin Murcia – Tribune; Dennis Napule – Remate; Jay Reyes – Remate; Bobby Ricohermoso – Remate; Nats Taboy – Remate at Aya Yupangco – DWIZ.

Habang independent candidates naman bilang director sina Gina Mape, Irwin Corpuz, Arnel Petil at Ferdinand Topacio.