ELITE BALIK SA PORMA

BLACKWATER-9

Mga laro sa Miyerkoles:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Magnolia vs Alaska

7 p.m. – San Miguel vs NorthPort

INAPULA ng Blackwater ang mainit na paghahabol ng Rain or Shine upang maitakas ang 98-92 panalo sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo.

Naisalpak ng Elite ang mga krusyal na free throws upang maibalik ang kanilang winning ways at iangat ang kanilang record sa 4-1 habang nanati­ling walang panalo ang  Elasto Painters sa 0-2 makaraang mabigong makumpleto ang paghahabol mula sa 18-point deficit.

Magkakatuwang na dinala nina Allein Maliksi, Roi Sumang, import Alexander Stepheson at Bobby Ray Parks, Jr. sa panalo ang Elite, na hindi pinatikim ang Elasto Painters ng kalamangan sa 48-minute encounter.

Nagbuhos si Maliksi ng 19 points at 4 rebounds upang muling tanghaling ‘Best Player of the Game’.

“We played well-coordinated game. Our offense and defence were in place. We have to win this game to solidify our title campaign,” sabi ni Maliksi.

Pinuri ng nagbabalik na si coach Aries Dimaunahan ang kanyang tropa sa  kanilang magandang laro.

“They played well and refused to give up when RoS threatened to turn the table in the crucial minutes of the last quarter,” sabi ni Dimaunahan.

Nagbanta ang RoS sa free throws ni Bowles, 94-90, subalit naubusan ng oras ang Elasto Painters upang muling mabigo si coach Caloy Garcia. CLYDE MARIANO

Iskor:

Blackwater (98) – Maliksi 19, Digregorio 16, Parks 16, Stepheson 13, Sumang 11, Belo 7, Tratter 4, Al-Hussaini 3, Banal 3, Sena 2, Alolino 2, Desiderio 2.

Rain or Shine (92) – Bowles 27, Yap 15, Borboran 10, Daquioag 10, Rosales 8, Norwood 7, Belga 5, Mocon 4, Nambatac 1.

QS: 24-17, 50-40, 76-60, 98-92

Comments are closed.