ELITE DISKARIL SA FUEL MASTERS

phoenix vs blackwater

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

4:30 p.m.-  NLEX vs Columbian

6:45 p.m. – NorthPort vs Ginebra

PINUTOL ng Phoenix ang three-game winning streak ng Blackwater sa PBA Commissioner’s Cup sa pamamagitan ng 103-98 panalo kagabi sa Mall of Asia Arena.

Itinarak ni Filipino-Canadian Matthew Wright ang final score sa pagbuslo ng  dalawang free throws sa huling 2.3 segundo at kinuha ng Fuel Masters ang unang panalo habang ipinalasap sa Elite ang unang kabiguan upang bumagsak sa 3-1, sa likod ng nangungunang NorthPort na may 3-0 kartada.

Inspirado sa panalo ng Toronto Raptors laban sa Golden State Warriors sa  Game 1 ng best-of-seven NBA Finals, tumirada si Wright, ipinanganak sa Toronto, ng  22 points, kasama ang apat na tres sa 4 of 7, at perfect 4 of 4 sa charity lane, 7 rebounds at 6 assists sa 34 minutong paglalaro.

Lumapit ang Blackwater at nagbantang ­isalba ang laro subalit kinapos sa huli.

Tumipa si Rob Dozier ng 18 points, 16 rebounds at 4 blocked shots para sa Elite.

“I have to play my best out there and deliver the needed points to make my team win. And I did it,” sabi ni Dozier, na naglaro sa Memphis at dating teammate ni Derrick Rose.

“He’s really a good player. Medyo kulang pa sa aggressive. Hopefully, he will dish out his best in our next game,” sabi ni coach Louie Alas.  CLYDE MARIANO

Iskor:

Phoenix (103) – Wright 22, Dozier 18, Jazul 17, Perkins 16, Abueva 13, Mallari 8, Chua 7, Kramer 2, Revilla 0, Intal 0, Marcelo 0, Wilson 0.

Blackwater (98) – Parks 25, Stepheson 24, Belo 12, Sumang 10, Tratter 7, Maliksi 6, Al-Hussaini 6, Digregorio 4, Cortez 2, Alolino 2, Salem 0.

QS: 15-17, 41-41, 80-71, 103-98.