ANG mga team captain at coach na lalahok sa VNL men’s tournament na gaganapin sa MOA Arena sa Pasay City sa isang press conference na idinaos kahapon sa isang hotel sa Makati. Kuha ni RUDY ESPERAS
MAGIGING hosts ang Pilipinas sa walong elite teams sa Week 3 ng Volleyball Nationals League (VNL) men’s tournament simula ngayong Martes sa Mall of Asia Arena.
“Volleyball has made huge strides in the country in the past few years and we strive to continue to perform,” pahayag ni Ramon “Tats” Suzara, presidente ng organizing Philippine National Volleyball Federation (PNVF), sa isang press conference sa Makati Shangri La Hotel kahapon. “We strike while the iron is hot and the PNVF is grateful to all those involved, our players who are the stars of the show, to those working behind the scenes from top national and team officials to the referees, to the tireless people in the sub-committees,” dagdag ni Suzara.
Pangungunahan ng reigning Olympic champion France (world No. 7), fan favorites Japan (No. 3) at USA (No. 5) ang mga kalahok kasama ang No. 4 Brazil, No. 11 Germany, No. 12 Canada, No. 13 The Netherlands at No. 17 Iran.
Ang VNL ay susundan ng first-time solo hosting ng bansa sa FIVB Volleyball Men’s World Championship sa susunod na taon.
Ang Team USA, sa pangunguna ni 2023 VNL Best Setter Micah Christenson, ay nasa kanilang Manila debut kung saan mataas ang expectations ng local fans.
Ang France (No. 4), Japan (No. 5), Brazil (No. 6) at Canada (No. 7) ay kasalukuyang nasa Top 8 ng VNL standings matapos ang dalawang legs kung saan kasalukuyang nangunguna ang reigning world champion Italy, Slovenia at Poland.
Ang Germany, USA, The Netherlands at Team USA ay nasa 11th, 12th, 13th at 16th place, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Bubuksan ng The Netherlands at Brazil ang aksiyon sa alas-5 ng hapon na susundan ng main game sa pagitan ng Japan at Canada sa alas-8:30 ng gabi. Magsasalpukan naman ang Germany at France sa alas-3 ng hapon bago ang bakbakan ng USA at Iran sa alas-7 ng gabi sa Miyerkoles.
“It’s a pleasure to be here. It’s our first year here. We felt a lot of love online and on social media from Filipino fans so be finally be here and experience it first hand is our pleasure,” wika ni USA captain Christenson. “We’re excited to experience it all.”
CLYDE MARIANO