Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Phoenix vs NorthPort
6:45 p.m. – TNT vs Meralco
INAPULA ng Columbian ang mainit na paghahabol ng Blackwater upang maitakas ang 102-90 panalo sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.
Naibaba ng Elite ang double digit na kalamangan ng Dyip sa 55-51 at 60-56 sa pananalasa nina Bobby Ray Parks, Jr., Mac Belo at import Aaron Fuller subalit hindi bumigay ang Columbian upang iposte ang ikatlong panalo sa limang laro.
Nalasap naman ng Blackwater ang ikatlong kabiguan sa apat na laro sa lungkot nina coach Aries Dimaunahan at team owner Dioseldo Sy.
Tumipa si Rashawn McCarthy ng 25 points, kasama ang 5 tres at 5 rebounds, at 3 assists at muling itinanghal na ‘Best Player of the Game’.
“All of us stepped up. I‘m happy I delivered the needed points,” sabi ni McCarthy.
Naging kapana-panabik ang laro sa bakbakan nina CJ Perez at Parks kung saan namayani ang una.
“Bago kami pumasok sa court I reminded my players na maglaro nang husto at huwag magpabaya at masiguro ang panalo. Ganoon ang ginawa at masaya ako,” sabi ni Columbian coach Johnedel Cardel. CLYDE MARIANO
Iskor:
Columbian (102) – McCarthy 25, Alston 24, Perez 24, Celda 12, Tiongson 8, Corpuz 5, Gabayni 2, Cahilig 2, Flores 0, Gabriel 0, Calvo 0.
Blackwater (90) – Fuller 26, Parks 21, Maliksi 9, Sumang 7, Belo 7, Al-Hussaini 6, Cortez 5, Cruz 5, Digregorio 3, Javier 1, Desiderio 0, Dario 0.
QS: 28-18, 49-42, 77-67, 102-90