ELITE NANGAPA SA KNIGHTS

Blackwater elite

MACAO – Naging malamya ang simula ng Blackwater at nalasap ang 77-93 pagkatalo sa Seoul SK Knights sa opener ng East Asia League Terrific 12 tournament kahapon sa Tap Seac Multisport Pavilion dito.

Nagbuhos si dating NBA player Jameel Warney ng 26 points, 14 rebounds, at 8 assists para sa Korean Basketball League (KBL) powerhouse, na nadominahan ang laro mula umpisa hanggang matapos.

Naghabol ang Elite, naglaro na wala sina hurting starters Bobby Ray Parks at Mike Digregorio, ng hanggang 19 points sa huling bahagi ng laro.

Nagdagdag si Kim Min Soo ng 18 points at 6 rebounds, habang tumapos ang isa pang import ng Knights na si Aaron Haynes na may 16 points at 8 rebounds.

Tumipa si import Alex Stepheson ng 22 points at 22 rebounds para sa Blackwater, na may dalawang key players, sa katauhan nina Marqus Blakely at Allein Maliksi, na nalagay sa ‘foul trouble’ sa malaking bahagi ng laro.

“We started the game really, really flat today,” pag-aamin ni Blackwater coach Aris Dimaunahan sa post-game interview.

“We can’t let that happen as we play again tomorrow,” dagdag pa niya.

Susunod na makakalaban ng Elite ang Chiba Jets sa kanilang final game sa Group A.

Iskor:

Seoul SK Knights (93) – Warney 26, Kim M.S 18, Haynes 16, Jun An 12, Choi 7, Kim S.H . 7, Chon 3, Byun 3, Kim G. W. 1, Song 0, Choi B.K. 0, Choi S.W. 0.

Blackwater (77) – Stepheson 22, Blakely 14, Desiderio 12, Dario 9, Belo 5, Alolino 4, Sumang 4, Banal 3, Cruz 2, Maliksi 2, Salem 0.

QS: 24-19; 44-36; 73-61; 93-77.

Comments are closed.