Mga laro ngayon:
(Cuneta Astrodome)
4:30 p.m. – NLEX vs Phoenix
7 p.m. – Blackwater vs Magnolia
PUNTIRYA ng Blackwater na sumalo sa liderato sa reigning Commissioner’s Cup champion Barangay Ginebra sa pakikipagtipan sa Mag-nolia sa PBA Governors’ Cup ngayon sa Cuneta Astrodome.
Haharapin ng Elite ang Hotshots sa main game sa alas-7 ng gabi matapos ang 4:30 p.m. duel ng Phoenix at NLEX.
Ang Blackwater ay galing sa panalo laban sa Meralco habang pinadapa ng Magnolia ang wala pang panalong Columbian sa kanilang huling laro.
Nasa ikalawang puwesto ang Elite na may 6-1 kartada, sa likod ng Gin Kings na may 7-1.
Inaasahang magiging kapana-panabik ang bakbakan ng Blackwater at Magnolia dahil pantay ang lakas ng dalawang koponan.
Sa unang pagkakataon ay maghaharap sina Blackwater import William Henry Walkwer at Magnolia counterpart Romeo Travis.
Nakahandang umalalay kay Walker sina sharpshooter Michael Vincent Digegorio, Nards John Pinto, Roi Sumang, Kyle Pascual, James Sena at FI-BA Asia veteran John Paul Erram.
Tatapatan ang opensiba ng Blackwater nina Mark Barroca, Jio Jalalon, Paul Lee, Ian Sangalang, Justin Melton, Rafi Reavis, Aldrech Ramos at Rome dela Rosa.
Sina Blackwater coach Bong Ramos at Magnolia mentor Chito Victolero ay kapwa naglaro para sa Mapua Cardinals sa NCAA at ngayon ay mag-tutunggali hindi bilang player kundi bilang bench tacticians.
Determinado ang Phoenix na manalo at iwaksi ang 99-101 kabiguan sa Ginebra noong Set. 29 sa Cagayan de Oro City.
Muling sasandal ang Phoenix sa kanilang import na si Eugene Phelps, katuwang sina Filipinlo-Canadian at FIBA Asian campaigner Matthew Wright, JC Intal, Douglas Kramer, Cyrus Baguio, John Wilson,RJ Jazul at Gelo Alolino. CLYDE MARIANO
Comments are closed.