Bago pa nagkaroon ng pagkakataong makatuntong sa entablado ang mga Black opera singers tulad nina Marian Anderson at Leontyne Price, mayroong isang Black woman na nagngangalang Elizabeth Greenfield, na itinuturing na pinakamahusay na mang-aawit sa buong mundo noong kanyang kapanahunan sa mid 1800’s.
Naglibot siya at nag-perform sa napakaraming lugar sa harap ng mga taong kadalasang ay puti ang kulay (White audience) at nagustuhan nilang lahat ang kanyang pag-awit, sa kabila ng katotohanang napakatindi ng racial discrimination noong panahong iyon.
Gayunman, totoong napakahirap para sa mga racist Whites na tanggaping ang malaanghel na tinig na tulad ng kay Greenfield ay mula sa isang Babaing Itim. Natural lamang na nakaranas siya ng mga pang-aalipusta at paghamak. Sa katunayan, may mga pagkakataong ayaw siyang paglingkuran ng mga make-up artist at hairdresser na puti dahil nakakapagpababa raw ito sa kanilang pagkatao, kaya natuto siyang mag-aayos sa kanyang sarili sa bawat performance.
Ngunit sadyang napakaganda ng tinig ni Greenfield kaya nga tinaguriang siyang “The Black Swan”. Pwede siyang soprano, alto, tenor at kahit pa bajo (bass). Tinuruan din niya ang kanyang sariling tumugtog ng harpa (harp) at gitara — dahil wala ring may gustong turuan siya.
Ngunit gustong gusto si Greenfield ni Reyna Victoria ng Inglatera, kaya siya ang kauna-unahang Itim na nakapag-perform sa Buckingham Palace para sa royal family. Baby pa noon si Queen Elizabeth.
Kaye VN Martin