ELIZABETH OROPESA HINDI NA IIYAK AT MAGPAPAIYAK

ELIZABETH OROPESA

THANKFUL si La O, Elizabeth Oropesa, na isinali siya sa dramedy na “Pamilya Roces.”showbiz eye

“Matagal ko nang hinihintay na mabigyan naman ako ng isang serye na hindi ako magpapaiyak o ako ang iiyak,” sabi ni La O sa mediacon.  “Masayahin naman akong tao, kaya ko namang magpatawa, pero laging seryoso ang ibi­nibigay nila sa aking role.  Kaya nang tawagan ako sa “Pamilya Roces” at sinabi kung ano ang role na gagampanan ko, napapalakpak ako, sabi ko ‘sa wakas, iba naman ang gagawin ko.’

“Ako rito si Violet Balocboc, kahit ang name ko naiiba, isang dating kontesera na naging backup dancer at kita naman ninyo sa trailer kung ano ang mga isinusuot ko.  Basta enjoy ako, kami ni Sophie (Albert) kasi first time din niyang off-beat ang role na ginagampanan.  Naging anak ko siya sa one-night stand namin ni Rodolfo Roces (Roi Vinzon).  Kaming mag-ina ang number two family ni Rodolfo na wala namang gusto kundi maka-share lamang sa kanyang ka­yamanan.  Kami ni Sophie ang magbibigay ng comedy scenes dito.  At lalabanan namin si number one family, Gloria Diaz, at number three family, si Ana Roces.”

Simula na ngayong gabi, October 8, mapapanood na ang “Pamilya Roces” after ng “Onanay.”

KAMBAL NA SINA MAVY AT CASSY LEGASPI, SARILING DESISYON ANG PAGPASOK SA SHOWBIZ

MAVY AT CASSY LEGASPISINA Mavy at Cassy Legaspi na pala ang nag-decide na tumuloy na sila sa pagpasok sa showbiz.  Inamin ng kambal nina Zoren at Carmina Le­gaspi, hindi sila pinilit ng parents nila na sumunod sa yapak nila.

“Noong una po, gusto lamang namin talaga iyong naggi-guest sa TV kapag naiimbitahan kami,” sabi ni Cassy.  “Pero ang totoo, mas gusto kong mag-artista,  si Mavy kasi, sa sports siya nahilig.”

“Nang madalas na kaming mag-shoot para sa TV commercials namin kasama sina Papa at Mama, nagustuhan ko na ring mag-artista,” sabi ni Mavy.  “Kaya nang tanungin kami ng parents namin kung gusto na naming mag-artista, ‘yes’ na ang sagot namin.”

At first TV show nila ang “Studio 7” na hindi man sila mahusay kumanta, iba naman ang husay nilang sumayaw, kaya every Sunday, starting on October 14, watch the dancing prowess ng kambal.

Comments are closed.