Ellen & Derek magkaka-baby na rin

HINDI  pa naman confirmed, pero nagpapahiwatig na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay na parang may butiki na nga yata sa sinapupunan ni Ellen.

Walang ibinigay na detalye ang mag-asawa kaya bitin ang mga netizens at nagkaroon pa ng kanya-kanyang sapantaha.

Karamihan sa kanila, naniniwalang buntis na ni Ellen. Bahala nga kayong manghula! Mag-asawa yon, heller! Normal lang magkaanak. And I don’t think it matters kung magkaanak sila o hindi. Pareho naman silang may anak sa naunang karelasyon.

Pwedeng buntis nga si Ellen. I remember nung pinagbubuntis nya ang baby nila ni John Lloyd Cruz, wala rin siyang post na whole body. Saka marami talagang gustong magkaanak ngayon dahil year of the dragon nga.

Last April, itsinika ni Ogie Diaz na buntis si Ellen. Kaso, malabong usapan din pala dahil narinig din lamang niya sa iba. Walang confirmation sina Ellen at Derek.

Sana nga, totoo