ELMO MAGALONA DAPAT MAPATUNAYAN NA KAYA ANG WALANG KA-LOVETEAM

ISANG malaking hamon para kay Elmo Magalona ngayon ang pelikulang ginawa niya na hindi si Janellewallface Salvador ang kanyang katambal. Sa naturang pelikula ay dalawa ang leading ladies ni Elmo, ang “Walwal”. Bago ipa­labas ang pelikula ni Elmo ay nauna nang ipinalabas ang movie ni Janelle na hindi si Elmo ang kanyang leading man, kundi si Jameon Blake, ang ‘So Connected” and sad to say, hindi naging maganda ang resulta nito sa box office.

Ini-experiment kasi na paghiwalayin na muna ang loveteam nina Janelle at Elmo. Hindi naging maganda ito para sa side ni Janelle kung ang pagbabatayan ay ang resulta ng kinita ng movie niya with Jameson. Ngayon naman ay turn ni Elmo, na patunayan niyang kaya niyang lumabas sa ibang movie na iba ang kapareha at tanggap ng masa dahil ‘pag hindi nangyari ito, well, it’s your guess na  kung ano ang mangyayari pa sa loveteam ng dalawa.

THEA TOLENTINO HINDI MALIMUTAN ANG HALIK NI ROCCO NACINO

THEA TOLENTINOKAHIT matagal nang tapos ang “Haplos” na te­leserye nina Sanya Lopez, Rocco Nacino at Thea Tolentino ay nagmarka naman sa isipan ni Thea ang kissing scene nila ni Rocco.

Ani ni Thea, nasanay raw kasi siya noon na ang mga kissing scene niya ay pawang mga smack kisses lamang o kaya may daya  pero sa kissing scene daw nila ni Rocco ay hayok na hayok ang dating ng young actor. Kaya nga hindi ito malimutan ni Thea. Ang eksena naman daw kasi ay ginayuma niya si Rocco kung kaya nang maghalikan sila ay parang sabik na sabik sa halik si Rocco.

Magkagayunpaman ay nagpapasalamat si Thea at nabigyan niya ng hustisya ang naturang halikan nila ni Rocco. Bago pa man daw kasi kunan ang naturang kissing scene ay nag-usap na sila ng actor at nadama naman ni Thea ang pagiging propesyonal ni Rocco at ‘di siya nakaramdan ng pananamantala sa actor. Kung kaya ngayon daw kung sakaling gagawa ulit siya ng kissing scene ay kaila­ngan daw kondisyunin ang kanyang sarili.

Sa ngayon ay nagpapahinga pa rin si Thea pagkatapos ng matagumpay niyang operasyon sa kanyang dibdib na may tumubong cyst lalo pa nga raw ay gi­sing siya nang tanggalin ang bukol sa kanyang breast.

VALEEN MONTENEGRO MAY PAGNANASA KAY RURU MADRID

VALEEN MONTENEGROWALA man pangalan na binanggit si Valeen Montenegro kung sino ang kanyang showbiz crush ngayon na kasamahan rin niya sa “Sunday Pinasaya” ay marami na agad ang humulang si Ruru Madrid ito.

Sa set ng kanilang show kasi ay madalas na biruin si Valeen kay Ruru, na in fairness ay loveless ngayon. May tsika pa nga rin na dahilan sa pagi­ging ‘malapit’ ni Valeen kay Ruru ay naging sanhi ito ng break up nila ng kanyang non-showbiz boypren for almost years na rin naman?

Ayon kay Valeen, nabibigyan lang daw ng ma­lisya ang pagiging close niya sa guys na kasamahan niya sa trabaho, kung sakali man na close siya kay Ruru ay sa dahilang itinuturing niyang baby brother ang young actor at maging si Alden Richards din naman daw ay ganun din ang kanyang turing. At age of 28, wala raw balak si Valeen na pumatol sa isang guy na mas hamak na bata sa kanya.  Wala rin daw katotohanan ang tsikang naghiwalay na sila ng kanyang dyowa, ayon kay Valeen, smooth sailing ang relasyon nila ng kanyang boypren.

Comments are closed.