TINIYAK ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ang mas maganda at pinadaling electronic lounge o eLounge para sa mga nagbabayad ng buwis o taxpayers.
“I will personally monitor the eLounge of RDOs to check if the same has been upgraded, and if revenuers have been deployed to help taxpayers availing of the eLounge facility. The BIR commits to making tax compliance easier for taxpayers, whether they access our services on-site or online,” ayon kay Lumagui.
Sa bisa ng Revenue Memorandum Order No. 39-2024 (RMO No. 39-2024) ay pinatibay ng ahensiya ang polisiya ng pag-operate at pag-maintain ng BIR eLounges para mas padaliin ang tax compliance ng mga taxpayer na pupunta sa Revenue District Offices (RDO).
Aniya, walang bayad ang paggamit ng eLounge sa mga RDO at maaari itong gamitin ng mga taxpayer para sa mga sumusunod na BIR eServices:
-Filing of Application for Registration
-Update of Registration
-Filing of Tax Returns
-Submission of Required Reports/Attachments at iba pang tax-related transactions.
Idinagdag pa niya na mayroon pa ring P150.00 conveniece fee ang mga ONETT applications sa eONETT system.
Sinabi rin ng commissioner na ang bawat RDO ay dapat magtalaga ng tatlong personnel na kabisado ang bawat eService para tulungan ang mga gagamit ng eLounge.
Nabatid na bukas ang mga eLounges mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Ayon sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, maaaring mag-operate ang eLounges ng lagpas alas-5 ng hapon kung kinakailangan. RUBEN FUENTES